Kailangan ba ito sa buhay ng edukasyon? Maisasagawa ba ang pag-aaral kahit wala ito?
Isang malaking bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami nang mga naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na siglo. Halimbawa na lamang nito ay ang unang praktikal na teleskopyo noong ika-17 na siglo. Ito ay nagsilbing mahalagang instrumento sa mga mag-aaral ng astronomiya. Sunod dito ay ang makinalya na nagbigay daan para sa hustong pagbabago ng sistema ng pagtuturo kung saan mas napabilis at epektibo ang pagbuo ng mga basahin. Sa loob lamang ng ilang dekada, ang kompyuter naman ay naging pangunahing kagamitan para sa pagtuturo sa ika-21 na siglo.
Iba’t ibang klase ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng klase depende sa kung anong asignatura o paksa ang kanilang pinag-aaralan. Sa huling kalahati ng ika-20 na siglo, ang simpleng prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante at mga pagpupulong. Ito ay may kakayahan na palakihin ang mga imahe upang mas maayos na maipakita ang mga halimbawa ng mga tagapagturo. Ngunit sa makabagong panahon ngayon, ang pinakamalawak at pangunahing instrumento na ginagamit sa edukasyon ay ang mga kompyuter na maaaring maka-access ng internet.
Karamihan sa mga paaralan dito sa Pilipinas lalo na ang mga pribado ay gumagamit na ng mga kompyuter na may access sa internet. Mayroon silang tinatawag na computer laboratory kung saan natitipon ang lahat ng mga kompyuter. Nang dahil dito, mas naging maginhawa at madali ang pagkalap ng mga impormasyon. Mas epektibong naibabahagi ng mga guro ang kanilang leksyon nang dahil sa internet.
 |
Pluma,Papel na ating nakasanayan. |
Maari pa naman din nating gamitin ang mga pluma, papel na ating nakasanayan na. Ngunit, kung gusto naman nating mas mapaganda ating mga likha tulad ng gawa nga mga propesyonal ay gamitin na natin ang makabagong teknolohiyang dala ng ating henerasyon.
Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating tandaan na nararapat nating gamitin ito ng wasto.Maaaring makapagdulot ito ng mga masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang paraan.
way of writing about this blog is awesome dear.Sakit.info
ReplyDelete